Wednesday, February 02, 2005

Lets welcome the beauty of....

uwaaaaaaaaaah...that was my first word,i pressume.kasi kung di ako umiyak malamang wala ako ngayon o kaya binugbog nako ng hospital staff to elicit a response from me, kasi nga dapat umiiyak ang baby( opo naging baby ako) pagkapanganak (ng nanay, di ng baby).nways, after that wala na ko naalala.i think my earliest memories would include my 4th bday.sa awa ng diyos, walang bisita kundi kamag-anak.at umuulan ito, no, make that bagyo!!kaya siguro iyakin ako e.mula pagkabata wala nakong naalalang ginawa kong matino kundi mang okray at magsumbong. me and my tito ompong have an eleven year age-gap which would explain why he was the only one in our family who wasnt happy when i was born...bunso kasi sha and syempre, agaw attensyon ang pagdating ng future dyosa da ba...as an added bonus, i would unintentionally bump into him whenever he has a date. at syempre since, ignorant pako nun at feeling welcome, lagi ko shang tinatawag kahit nasa jeep ako ng tito ompooooong, with matching kaway...as if he would be happy to see me. syempre mapapahiya sha...at bata pa, sentro nako ng malisya....akalain mong 4 yrs old na nakapanty (with the ruffles) lang akong naglalaro.e dahil nga malaki ako, pinagkakamalan nila akong batang batang exhibitionist!
oh well...goin to the okray part, pag nasa palengke kami ng mama ko, lahat ng pangit na namimili, tinitingnan ko ng masama, feeling ko kasi maganda ako hahaha.kinder pa lang, nambubugbog nako ng boys...tawagin natin siyang rodrigo (dahil un ang name niya)..nag attempt shang ikiss ako sa cheeks kaya jinombag ko sha.dugo ang bibig kasi sinabunutan ko at inumpog ang fez sa pader, kaso dahil lolo ko (my lolo's bro) ang pari dun, di sya makapagsumbong. talk about influence hehehe.
i can say i had a normal childhood,everythin's normal except me.taguan, patintero, tumbang preso, bahay-bahayan and if i had my way, WAG-WAG.yung modified version ng bahay bahayan, papatong yung boy sa girl tapos sisigaw yung girl ng WAG! WAG! (ala dawn zulueta sa Maggie dela Riva Story).pero one of my favorites was going to the gym...me and sheila(marfil) would always make believe we're goin to work out...(1987 i think).their maid would go to our house and tell me na ready na.meaning bukas na ang aircon at naka "outfit" na si sheila.so ako may i pack ng paraphernalia---stockings! yun ang leotards ko nun.ung mga lumang stockings ng nanay namin.tapos magtatalon kami sa bed pretending we're workin out...haaaay those are the days na girl pa si sheila hahaha.at naliligo pa kami ng sabay sa poso namin..baduy e.basta ang alam ko bata pa lang magulang na si sheila.pag nauuhaw kami, bibili kami ng tig pisong sago,sha muna iinom so ako naman hintay sa baso, tapos, pag ako na iinom iiwan na niya ko kasi baka makita sha ng kras niya na umiinom ng "samalamig".

my HS life was kinda boring.i mean i had only 1 crush then...at di kami friends.titigil paghinga ko pag katabi ko na sha sa kotse, as in.putlaputla pa labi ko nun sa hiya.i guess i carried that attitude till now (ooows?).pero there were my friends, alice " andrei the giant" torres, abby "chekwa", inna-carmina villaroel wannabe-reyes,vanj mahadera pilapil,rizza "N.R." rodriguez,tricia taba mazo,cecil-carmina2-sayaman,minnete"erp" rodriguez....we collectively call ourselves M.K.S.P. (magagandang kababaihan ng st. paul), pero ang totoo, mga kulang lang sa pansin.mahaba na to ah.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home