Saturday, May 21, 2005

minsan....

minsan, sa kainitan ng araw, nakita kitang naglalakad sa
kahabaan ng avenida.napatingin ka sa kin, di ko alam kung sadya
ba yun o wala lang. cute ka, matangkad, maputi at may dimples sa
magkabilang pisngi. mukhang mainit na ang ulo mo nun e pero
freshness ka pa din kahit pawisang pawisan ka na sa
kakalakad.oops, may i look ka na naman, type mo ba ako? mura
lang naman ang presyo ko e, why not?hehehe. mga ilang linggo
din kitang nakikitang naglalakad, hinihintay ko na lang na
lapitan moko. matapos ang 1 buwan, mukhang narinig ni lord ang
panalangin ko.and to make the long story short, nagsama na tayo.
nung una ok ka. wala akong masabi sayo, masinop ka sa bahay,
lahat ikaw ang gumagawa, magluto, maglaba, magplantsa,
mag-grocery and everything. you're almost perfect. napakasweet
mo pa. u would even call your mom every weekend just to tell her
you're okay. not that you're a momma's boy or anything pero
mabait kang anak. you see to it na may allowance si sister patty
(yung "iskolar" mo) at bayad na ang meralco/PLDT bills. o da ba
napaka responsable mo. dati paguwi mo areglado ng lahat,
nakabili ka na minsan ng dinner o kaya pag off ka, ikaw tlaga
nagluluto.ang feeling ko ako ang reyna ng kusina mo. di ko na halos napansin pero sa paglipas ng araw,unti
unti kang nagbago.oo, frigid ako pero nakakaramdam pa din ako.di
naman naging issue sa yo dati ang kalagayan ko kaya kampante ako
sa posisyon ko.speaking of position, i never complained kung
anong posisyon ang type mo o kung san man ako mapadpad, minsan
sa kwarto minsan sa kusina,at kadalasan sa sala, tutal studio
type naman ang apartment natin. so strike anywhere ang chika
natin.dati din, u would leave me notes or reminders so up to
date ako. siguro u dont want me to worry ano? aaaw,sweetness ka
talaga. but that was then,ngayon feeling ko you're shutting me
out of your life. bat ganun?did i do something wrong?am i not
providing you what you want from me? tell me so i'd know.
ngayon, paguwi mo, diretso ka na sa kama, di ka na nagluluto
like before, lagi ka pang lasing pagdating. ayaw naman kitang
tanungin kung bakit kasi talaga di ako matanong. narinig ko na
lang sa mama mo nung nagpunta sha sa bahay na may gf ka
pala...angsakit, di na lang ako umimik para walang gulo. pero ramdam na
ramdam kong nagiinit ang ulo ko nung panahong yun.siya ba ang
dahilan kaya unti unti kang nanlamig sa pakikitungo mo sakin?
kaya ka nagkasakit? kung di ko pa nalaman, magugulat na lang ako
1 araw pag bigla mo na lang siyang inuwi dito sa bahay.di ko ata
kakayanin, i might break down huhuhu.napansin ko na lang na
dumidilim na ang paligid. ilang araw din akong nawalan ng malay.nagising na lang
ako basta and to my surprise, i was at a strange place.san mo ko
dinala? di ito ang bahay natin ah. pero alam kong nandito ka,
narinig ko ang boses mo sa malayo. may kinakausap kang
lalaki....di ako familiar sa boses niya pero rinig na rinig ko
ang sinabi mo.
"ano po bang nangyari? bigla na lang breakdown e?" uuuy
concerned sha..kinilig naman ako dun, papi.
"wala nang pagasa, di na tatagal.sirang sira na ang freon at
thermostat nito,kahit palitan di na maganda pati kaha.san mo ba
to nabili?sa surplus,ano?"
"oho e kasi alam nyo naman pinapagaral ko si utol e, mahirap
bumili ng brand new" aha akala ko pa naman natypan mo ako for my
beauty, un pala, nacheapan ka lang sakin...hmmmmph i hate you
anymore, papi! maghahanap na ko ng bagong magmamay-ari
sakin!katawan ko lang ang habol mo!adios!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home